iNEWS | November 17, 2021

Cotabato City, Philippines - Sinabi ni Lakas CMD president at House Majority Leader Martin Romualdez sa isang pahayag na tinitingnan ngayon ng partido Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang pag adopt kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanilang senatorial slate para sa 2022 elections.
Naghain ang pangulo ng kanyang kandidatura sa pagkasenador, pinalitan nito ang isang nagngangalang Mona Liza Visorde na naunang manok ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) party.
Kamakailan lang ay sumanib sa partido Lakas-CMD ang anak ng pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na naghain ng kanyang kandidatura sa pagka bise presidente.
Sinabi ni Romualdez na sinasapinal na nila ang listahan ng kanilang
12 senatorial candidates para sa Halalan 2022 at aasahang iaanunsyo ito sa lalong madaling panahon.