LAKERS, WAGI KONTRA NETS SA SCORE NA 106-96

Amor Sening | iNEWS | January 27, 2022


Photo Courtesy: Google Photo


COTABATO CITY, Philippines - Matapos lumiban ng 17 games dahil sa sprained MCL sa kaliwang tuhod, nagbalik na sa lineup ng Los Angeles Lakers si

Anthony Davis upang pukawin ang opensa ng koponan at talunin ang short-handed Brooklyn Nets sa score na 106-96 noong Martes sa New York.


Naglaro si Davis bilang sentro at nagtapos na may 8 puntos, 2 rebounds, 4 blocks at 2 assist sa 106-96 panalo ng Lakers para sa kartadang 24-24.


Umiskor naman si LeBron James ng team-high na 33 puntos.

Nag-shoot si James ng 14-of-21 mula sa sahig at nagdagdag ng pitong rebound at anim na assist para sa Lakers.


Tinapos ng Lakers ang unang quarter sa 12-2 run para sa 33-25 lead nang mag-layup si James sa buzzer.


Nanguna naman ang Lakers sa score na 62-53 sa halftime

nang magpasok sina Monk at Anthony ng three-pointers sa magkasunod na possession.


Sa huling anim na minuto ng 3rd quarter, dumikit ang score ng nets dahil sa isang free throw ni Harden, ngunit muling umabante ang Lakers, nang magpasok ng lay up si West brook sa huling dalawang minuto ng laro at nakuha ang 86-76 na abante.

11 views