top of page

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAGNAKAW NG MOTORSIKLO; ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA RIN SA PAG-IINGAT NITO!

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Arestado ng pulisya ang isang lalaki matapos na magnakaw ng motorsiklo sa Barangay Dimalna, Marawi City, nitong September 23.


Ayon sa Marawi City Police Station, pumunta sa kanilang himpilan ang hindi na nagpakilalang biktima matapos ‘di

umano’y nakawin ang kaniyang motorsiklong isang alyas Makarakik.


Agad namang rumesponde ang pulisya at na-corner ang suspek sa Barangay Dimalna sa naturang lungsod. Nang arestuhin, nakumpiska sa pag-iingat nito ang isang pakete ng hinihinalaang Shabu na nagkakahalaga ng 20,400 pesos. Nasa kustodiya na ng Marawi CPS si Alyas Mukarakik at inihahanda na ang kasong isasampa rito.

0 views
bottom of page