top of page

LALAKI, ARESTADO MATAPOS MAKUHANAN NG MAHIGIT P100K HALAGA NG ILIGAL NA DROGA;

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Sa report ng PNP BARMM-


Matagal nang minamanmanan ng Provincial Drug Enforcement Unit ang isang alyas Abdulraof. Nang makatanggap ng intelligence report ang otoridad na patungo ito ng Barangay Bubong, Saguiaran, Lanao Del Sur para sa isang illegal transaction noong Biyernes-


Agad nagsagawa ng checkpoint sa lugar.

Photo courtesy : PRO BAR


Nang matunugan umano ni alyas Abdulraof ang presensiya ng otoridad sa daan, agad itong umiwas pero naharang din.


Ayon sa report ng PNP BARMM, nanlaban ito na humantong sa ilang minutong putukan na nagresulta sa pagkakasugat nito sa kaliwang paa.


Nasamsam mula kay alyas Abdulraof ang apat na pakete ng hinihinalaang shabu na nagkakahalga ng 102 thousand pesos, isang chamber na may kargang .45 caliber pistol, magazine at nga bala.


Dinala ang suspek sa Amai Pakpak Medical Center, Marawi City habang ang mga nakuhang ebidensya ay isinailalim sa dokumentasyon sa presensya ng Barangay Kagawad ng Bubong, Saguiaran, at ituturn-over sa Saguiaran MPS para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.


End

0 views
bottom of page