top of page

BABAE, ARESTADO SA BONGAO, TAWI-TAWI DAHIL SA ILIGAL NA DROGA

Updated: Oct 17, 2022

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Sa ulat ng PRO BAR, nagsasagawa ng mobile patrol ang mga operating troops sa lugar nang makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen, tungkol sa isang illegal drug trade na nangyayari sa Barangay Nalil, Bongao, Tawi-Tawi, araw ng Lunes.


Mabilis na rumesponde ang mga elemento ng Bongao PNP, katuwang ang Tawi-Tawi Provincial Mobile Force

Photo courtesy : PRO BAR


Company, 5th Regional Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Company BASULTA, na nagresulta sa matagumpay na pagkakadakip ni alyas Jiyana.


Nakumpiska sa pag-iingat nito ang dalawang piraso ng pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 5.5 gramo na nagkakahalaga ng Php 37,400.00, at iba pang drug paraphernalia.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Bongao MPS ang suspek para sa imbestigasyon, pagsasampa ng kaukulang kaso, at tamang disposisyon.


End




1 view
bottom of page