Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Tiklo ang isang trenta y syete anyos na lalaki matapos ikasa ng mga operatiba mula sa Cotabato City Police Station 4 ang buy-bust operation sa Purok Oblates, Barangay Rosary Heights 4 ng lungsod, araw ng Linggo, a dos ng Oktubre.
Ayon sa pulisya, naaresto ang drug suspek na si alyas Bong matapos mabilhan ng iligal na droga ng undercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer.
Sa operasyon, nakumpiska sa suspek ang isang pakete ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 544 pesos, at isang 500 pesos boodle money.
Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Police Station 4 ng lungsod at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.
End