Kate Dayawan | iNEWS Philippines| February 16, 2022

Photo courtesy : PDEA BARMM
Cotabato City, Philippines - Himas-rehas na ngayon si Samsodin matapos na mahuli sa inilunsad na buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency – BARMM sa Barangay Macao, Balabagan, Lanao del Sur kahapon, February 15.
Sa report ng PDEA BARMM, nakatakas naman ang target ng operasyon na si alyas Maganor matapos na matunugan nito ang pagdating ng operating team.
Kasama ng PDEA-BARMM sa pagsasagawa ng operasyon ang Marine Battalion Landing Team 2 (MBLT-2), 2nd Police Mobile Force Company (PMFC) at Lanao Del Sur PNP.
Nakumpiska sa operasyon ang 100 grams ng hinihinalang shabu na may estimated market value na 680,000 pesos.
Bukod dito ay nakuha rin ang buy-bust money, wallet, ID, isang kulay itim na Suzuki multicab na ginagamit umano ng mga suspek sa kanilang mga iligal na transaksyon at dalawang unit ng M14 7.62 rifle.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang ipapataw sa naarestong suspek habang patuloy pang pinaghahanap ang nakatakas na suspek.
End.