top of page

Lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Lamitan City

Kate Dayawan | iNEWS | November 23, 2021

Photo courtesy : PRO BAR


Cotabato City, Philippines - Himas-rehas naman ngayon ang kwarentay singko anyos na si Romy matapos na mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Lamitan City Police Station at RMFB-BASULTA sa Barangay Bohenange, Lamitan City, Basilan.


Nakumpiska mula sa operasyon ang 0.120 grams ng hinihinalang shabu na may estimated market value na 4,000 pesos.


Bukod pa rito ay narekober din ang tatlong shotgun, isang homemade Thompson Type firearm, at apat na 12 Gauge live ammunition.


Nakapiit na ngayon sa Lamitan City Police ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Pinuri naman ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng Police Regional Office - BAR, ang operating personnel sa pagprotekta sa mamamayang Bangsamoro laban sa mga iligal na gawain.


Sinabi nito na mas paiigtingin pa ng PRO-BAR ang kanilang anti-illegal drug operations laban sa mga nagbebenta at iba pang indibidwal na may kinalaman sa iligal na droga.


Hinikayat rin ang mamamayang Bangsamoro na patuloy na suportahan ang kampanya ng PNP kontra loose firearms upang makamit ang mapayapa at maayos na National and Local Elections 2022.

6 views
bottom of page