top of page

LALAKI, ARESTADO SA BUYBUST OPERATION NG PNP SA DATU PIANG MAGUINDANAO

Updated: Sep 7, 2021

Kristine Carzo | iNews | September 6, 2021


Cotabato city, Philippines - Himas rehas ang suspek na si Jodatu, bent unso anyos na sangkot sa pagbebenta sa iligal na droga matapos na madakip sa ikinasang buybust operation ng PNP sa Sitio 3, Barangay Kalipapa, Datu Piang Maguindanao, a dos ng setyembre.


SI Jodatu ay residente ng Barangay Balong, Northern Kabuntalan, Maguindanao.


Sa report mula sa PNP isang informant mula sa MILF task Force ang nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad na sangkot ang naturang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga.


Nakuha sa posesyon ng suspek ang 25.5 grams ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 150,000pesos.


Nasa kostodiya na ngayon ng Datu Piang Municipal Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Photo by: PRO-BAR

3 views
bottom of page