LALAKI, KALABOSO SA BUY-BUST OPERATION SA COTABATO CITY

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Kulungan ang bagsak ng isang bente otso anyos na lalaki matapos ikasa ng mga elemento ng Cotabato City PNP ang buy-bust operation sa Barangay Rosary Heights13, kahapon araw ng Martes.


Sa report mula sa pulisya, naaresto ang suspek na si alyas Sam matapos mabilhan ng iligal na droga ng isang undercover agent na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nasamsam sa pag-iingat nito ang isang pakete ng hinihinalaang shabu na nagkakahalaga ng 544 pesos.


Dagdag pa ng pulisya, nakulong na rin si alyas Sam noon dahil rin sa pagbebenta ng iligal na droga.


Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Police Station 4 ang suspek at nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


End



0 views