Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Arestado ang isang residente ng Datu Hoffer, Maguindanao dahil sa krimeng pangingikil o extortion araw ng Lunes, sa Barangay Mother Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao.
Ang pag-aresto ay isinagawa bilang tugon sa reklamo ng isang negosyante mula sa Shariff Aguak na nagsasabing nakatanggap ng extortion letter mula sa suspek na
Photo courtesy : PRO BAR
humihingi ng Fifty Thousand Pesos (P50,000.00).
Ito ang nagtulak sa biktima na dumulog sa Shariff Aguak PNP kung saan nagkaroon ng entrapment na nagresulta sa pagkakaaresto kay Samar Edsla Amilil, residente ng Barangay Inang Tuayan, Datu Hoffer, Maguindanao habang ang iba pang mga suspek na sina Pogi Kasim at isang hindi pa nakikilalang lalaki ay nakatakas sakay ng isang itim na motorsiklo.
Sa operasyon ng pulisya, narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) homemade pistol single shot 12 gauge na may isang live ammunition, isang (1) keypad cellular phone, isang (1) itim na sling bag , isang (1) 125 Motorcycle na “payong payong”, boodle money na nagkakahalaga ng Php50,000.00 na ginamit sa entrapment.
Nasa kustodiya na ng Shariff Aguak MPS ang suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.
End