top of page

Lalaki, patay matapos barilin sa Cotabato City

Kristine Carzo | iNEWS | October 5, 2021


Cotabato City, Philippines - Agad na isinugod sa pagamutan ang isang lalaki na binaril sa bahagi ng Poblacion 5 sa Cotabato City, alas singko kwarenta y singko ng hapon kahapon.


Sa report ng Cotabato City PNP Station 1, nakatambay ang biktima na kinilalang si Tato Zailon nang bigla itong nilapitan ng isang gun man at pinagbabaril ang biktima.


Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa pamilya ng biktima upang makahingi ng impormasyon na maaaring makatulong sa imbestigasyon.


Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang suspek at motibo sa pamamaril.




81 views
bottom of page