top of page

LALAKI, PATAY SA BUY-BUST OPERATION NG PDEA-12

Kate Dayawan| iNews | January 6, 2022


Courtesy: PDEA REGIONAL OFFICE XII



Cotabato City, Philippines - Matapos manlaban, napatay sa drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 si alyas Datu pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa Purok Saranay 2, Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.


Nakatakas naman ang dalawang kasamahan nito.


Residente ng Pamalian, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao ang napatay sa operasyon.


Nakumpiska mula sa posesyon nito ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit kumulang 500 grams at may estimated market price na 3.4 million pesos.


Bukod dito, nakuha rin ang buy-bust money, cellphone, motorsiklo at caliber .45 pistol.


Naging posible ang operasyon sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Cotabato Provincial Office, PDEA Sarangani Provincial Office, Midsayap Municipal Police Station at 34th Infantry Battalion ng Philippine Army.

88 views
bottom of page