Kristine Carzo | iNEWS | September 9, 2021
Cotabato City, Philippines - Dead on arrival sa Cotabato Regional and Medical Center si Datu Nasser Bagundang matapos barilin sa Jose Lim Street, Poblacion 5, Cotabato City, 8:40 PM, Miyerkules ng gabi.
Sa report ng Police Station 1 ng lungsod, tama sa ulo at tagiliran ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen.
