top of page

Lalaki, sugatan sa pamamaril sa Cotabato City!

Kristine Carzo | iNEWS | September 20, 2021


Cotabato City, Philippines - Patuloy na nagpapagaling ngayon sa Cotabato Regional ang Medical Center ang isang Trenta anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa Block 19, ND Village, Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City.


Kinilala ang biktima na si Eduardo Hilongos Remegio alias “Jun-Jun” , trenta anyos, at residente ng Block 19, ND Village, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.


Sa report mula sa Hepe ng Cotabato City PNP Station 2 Police Captain Rustum Pastolero nagpipinta lamang ng motorisklo ang biktimang si Remegio nang bigla itong lapitan ng isang hindi pa nakilalang suspek at pinagbabaril ang biktima.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala na mula sa isang cal.45 pistol.


Patuloy ang imbestigasyon ng pnp upang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek at motibo sa krimen.




6 views
bottom of page