Kate Dayawan | iNEWS | December 2, 2021

Photo courtesy : PNP PRO BAR
Cotabato City, Philippines - Timbog ang trenta'y dos anyos na lalaking si alyas Mahmur matapos na mahuli sa inilunsad na inter-driven buy-bust operation ng Police Intelligence Unit ng Sulu Police Provincial Office at Jolo Municipal Police Station sa Kimbung Road, Barangay Bus-Bus, Jolo, Sulu November 29.
Ang suspek na si Mahmur ay isang high value target na residente ng nasabing lugar.
Nakapiit na ngayon sa Jolo Municipal Police Station ang suspen na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region ang operating personnel dahil sa pagprotekta nito sa mga mamamayang Bangsamoro mula sa mga iligal na gawain.
Aniya, mas lalo pang paiigtingin ng PRO-BAR ang pagpapatupad ng anti-illegal drugs campaign laban sa mga nagbebenta at iba pang indibidwal na sangkol sa iligal na droga.
Hinikayat rin ng henerap ang mamamayang Bangsamoro na patuloy na suportahan at aktibong makilahok sa kampanya ng PNP laban sa mga kriminalidad tungo sa pagkamit ng ligtas, payapa at maayos na Bangsamoro National and Local Elections 2022.