top of page

Lalaking nagtangkang pumuslit ng iligal na droga sa, naharang sa checkpoint

Kate Dayawan | iNews | November 5, 2021


Cotabato City, Philippines - Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos na tangkain nitong ipuslit ang iligal na droga sa bayan ng Parang, Maguindanao.


Alas siyete ng gabi ng Huwebes, November 4, nang dumaan sa suspek na kinilalang si alyas Bochokoy sa Duran Checkpoint, Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao kung saan naroon ang pinagsanib na pwersa ng Parang Municipal Police Station at 1401st RMFC RMFB PRO BAR.


Kahina-hinala umano ang ikinikilos ng suspek kung kaya't inusisa na ito ng mga nagbabantay na pulis at dito na nga naghuli ang ipupuslit sana nitong droga.


Ayon sa report ng Parang MPS, mula pa sa Semseman, Pigcawayan, North Cotabato ang suspek.


Nakuha mula sa posesyon ng suspek ang 10.0 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 68,000 pesos.


Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharaping kaso ng suspek.




0 views
bottom of page