top of page

LALAKING NAMBUGBOG AT NANAKIT NG BEI SA DATU PIANG, NAHAHARAP NGAYON SA MURDER AT FRUSTRATED MURDER

Kate Dayawan

MAGUINDANAO - Matapos na makulong dahil sa pananakit sa isang Board of Election Inspector at pambubogbog ng dalawang watcher sa loob ng polling precinct noong May 9 National and Local Elections sa Datu Piang, Maguindanao, balik-kulungan ngayon ang trenta’y kwatro anyos na si alyas Mike.


Ito’y matapos na ihain sa kanya ng pinagsanib na pwersa ng PNP units ang isang Warrant of Arrest dahil naman sa kasong murder at frustrated murder na inisyu ng Regional Trial Court 15 noong May 18, 2022.


Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa pagpaslang sa Barangay Chairman ng Ambadao, Datu Piang at pagkakasugat naman ng isa pang biktima noong July 26, 2021.


Ang nasabing akusado ay dinala ng 1404th Regional Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion 14 sa Police Station 3, Cotabato City Police Office para sa dokumentasyon at nakatakdang iharap sa korteng nag isyu sa kanya ng warrant of arrest.


Muling paalala ng Police Regional Office BAR sa publiko na hindi umano sila titigil na tugisin ang lahat ng criminal sa rehiyon hangga’t hindi pa nakakulong ang mga ito.



50 views
bottom of page