Kate Dayawan

MAGUINDANAO — Simula kahapon, May 16, 2022 hanggang sa a trenta’y uno ng Mayo, ay nasa ilalim ng Alert Level 1 ang COVID-19 Status ang buong lalawigan ng Maguindanao.
Ito ang nakasaad sa inilabas na Executive Order No. 100 ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
As of May 15, 2022, ang buong lalawigan ng Maguindanao ay nakapagtala ng 4,476 confirmed cases ng COVID-19 kung saan ay 36 ang nasawi, walang active cases habang 135 ang suspected at 9 ang probable cases.
Sa buong BARMM, kabilang sa mga lugar na isinailalim sa Alert Level 1 ay ang bayan ng South Upi sa Maguindanao at ang Turtle Islands sa lalawigan ng Tawi-Tawi.
Parehong may mataas na vaccination coverage ang dalawang munisipyo habang patuloy naman na bumababa ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang mga lugar.
Umabot na sa 70% ng target population ng South Upi ang nakatanggap ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19. Nasa 74% naman ang sa Turtle Islands.
Una nang sinabi ng Department of Health na ang Alert Level 1 ay ang "new normal"sa buong bansa.
Inaasahan na madadagdagan pa ang mga munisipyo na ipapasailalim sa Alert Level 1 sa BARMM habang patuloy na hinihikayat ang mga residente na magpabakuna upang maging protektado laban sa malubhang epekto ng COVID-19.