“LEAVE OR WE’LL BE YOUR ENEMY”

Nagbabala si 6th Infantry Division and Joint Task Force Central Commander, Major General Alex Rillera sa dalawang naglalabang grupo ng MILF sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao na lisanin na ang lugar dahil kung hindi, ang mga sundalo na mismo ang makakalaban ng mga ito.
Ipinatupad na umano ng gobyerno at lahat ng peace mechanisms para resolbahin ang gulo sa pagitan ng mga miyembro ng 105th at 118th Base Commands ng MILF sa bayan ng Datu Saudii Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Ito ang sinabi ni 6th Infantry Division and Joint Task Force Central Commander, Major General Alex Rillera.
“We respect the normalization process natin. We exhausted all initiatives ng mechanism ng gobyerno, the CCCH at AHJAG. Sila muna pinahandle namin from that problem. However humingi na sila sa amin ng tulong. We readily, with PNP manage the situation, napasok na ng aming tropa. but before that, kinausap na rin naming yong MILF, ‘yong kumanders sa ground. Pag hindi sila umalis, kami na magiging kalaban nila” Mgen Rillera said.
Base sa rekord ng Datu Saudi Ampatuan, 2,300 pamilya o 11,50 indibidwal ang apektado sa pinakahuling bakbakan ng dalawang grupo noong April 23, isang araw matapos idaos ang Eid’l Fitr. Bukod pa ito sa pagkakasunog ng labimpitong mga bahay at tindahan sa nakaraang sagupaan.
Bago ang huling bakbakan ng mga ito, nagkaroon na ng serye ng pag-uusap at dialogo sa pagitan ng mga sangkot na grupo. Pumagitna na rin ang ilang mga lider sa probinsya para matigil na ang gulo.
“We do not want to further, let the situation happen, maraming innocent civilian ang nadadamay. Lalong lalo na katatapos lang ng Ramadan, then ganon ang ginawa nila. We will let them know, where we stand. That we are for the peace effort ng gobyerno, we are for those innocent civilians, that are affected by this conflict. Lahat ng bagay naniniwala ako, we can find solution thru dialogues. Hindi gagamitin ang armas” Mgen Rillera said.
Personal na alitan ang pinaniniwalaang dahilan ng pagsiklab ng girian sa pagitan ng mga miyembro ng 105th at 118th Base Commands ng MILF sa lugar.