LEGAL | MEDICAL SERVICES

HALOS 200 RESIDENTE NG NIKETAN, DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO DEL NORTE, NAKABENEPISYO SA SERBISYONG LEGAL AT MEDICAL HANDOG NG LGU
Datu Odin Sinsuat - Tinungo ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat at Tiyakap Foundation ang mga residente ng Barangay Niketan sa bayan kung saan halos dalawang daang residente ang nakabenepisyo sa iba’t ibang serbisyong legal, at pangkalusugan.
Libreng gamot ang ipinagkaloob sa halos dalawang daang residente na sumailalim sa medical consultation na isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at Tiyakap Foundation sa Barangay Niketan.
Kasabay nito nagkaroon din ng libreng registration para sa mga kukuha ng Birth Certificate mula edad 0-5 taong gulang at aplikasyon para sa Senior Citizen ID at PWD.
Nagkaroon din ng orientation hinggil sa benepisyong makukuha sa pagkakaroon ng Senior Citizen ID, Solo Parent at PWDs. Ibinahagi rin sa mga ito ang kaalaman patungkol sa Republic Act 9208 or the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Violence Against Women and their Children o VAWC.
Nakatanggap din nang food packs at bigas ang mga Senior Citizen, PWD, Solo Parent Buntis at BPAT Members.
Tuloy sa pag-iikot ang lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat sa pangunguna ni Mayor Lester Sinsuat at Tiyakap Foundation ni Vice Governor Bai Ainee Sinsuat.