LEGISLATIVE INFORMATION TRACKING SYSTEM

Photo Courtesy: Ministry of the Interior and Local Government
MILG, NAGTUNGO SA DILG REGION XI AT LUPON, DAVAO ORIENTAL PARA SA DATA GATHERING BILANG PAGHAHANDA SA PAGKAKAROON NG LEGISLATIVE INFORMATION TRACKING SYSTEM
Bangsomoro Autonomous Region -Nagtungo sa DILG Region XI at sa bayan ng Lupon, Davao Oriental ang MILG para sa data gathering bilang paghahanda sa isinusulong ng ministeryo na pagkakaroon ng Legislative Information Tracking System (LITS).
Pinapalakas ngayon ng Ministry of the Interior and Local Government ang local government accountability, transparency, at effectivenes sa pamamagitan ng pagpapabuti pa ng information, planning, implementation at citizen participation sa ano pang pagpapasya.
Kasunod nito, nagtungo sa DILG Region XI at sa bayan ng Lupon, Davao Oriental ang MILG para sa data gathering bilang paghahanda sa isinusulong ng ministeryo na pagkakaroon ng Legislative Information Tracking System (LITS).
Ibinahagi sa MILG kung paano ipinatutupad ang sistema. Nakalikom rin ng mahalagang impormasyon at datos ang ahensya na magagamit ng mga LGU sa rehiyon sa napipinto nitong hakbang na simulan ang automating legislative functions at pag-alalay sa Sanggunian sa pagganap sa kanilang katungkulan gamit ang information technology.
Sinabi ni MILG Minister Atty Naguib G Sinarimbo, na ang digital transformation ay kritikal na bahagi sa pagkamit ng inclusive growth para sa lahat ng Bangsamoro sa pamamagitan ng pagpapalakas ng intergovernmental ties, pagpapa-angat ng governance transparency, at pagsiguro sa tinatawag na bureaucratic effectiveness.