Amor Sending | iNEWS | December 3, 2021

Photo courtesy : Maguindanao Medical Technicians
Cotabato City, Philippines - Sa ikalawang araw ng isinasagawang medical mission ng Maguindanao Provincial Government sa bayan ng Nuro Upi Maguindanao, libo libong mga indibidwal ang nakabenepisyo sa libreng serbisyong medikal.
Unang tinungo ng medical team ang Barangay Nangi at Barangay Borongotan, kung saan 1,231 patients ang nakatanggap ng libreng konsultasyon, 194 na individual naman ang nabigyan ng libreng salamin sa mata, at apat na pwd at senior citizen patient ang nakatanggap ng libreng wheel chair.
Bukod dito, higit isang daang mga residente naman ang sumailalim sa libreng tuli at pagbunot ng ngipin.
Isinagawa rin sa mismong araw ang feeding program para sa iilang mga residente.
Ang ganitong programa ay ilan lamang sa mga programa ng Agila ng Maguindanao upang isulong ang Gobyernong May Malasakit sa Probinsya.