JOY FERNANDEZ | iNEWS | iMINDSPH
Cotabato city, Philippines - Libo-libong indibidwal mula sa brgy. Barungisen bayan ng Matanog at brgy. Polloc sa munisipalidad naman ng Parang ang naka-benepisyo sa isinagawang medical mission at pamamahagi ng Free wheelchair ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao.
Sa BARANGAY Barungisen bayan ng Matanog, labindalawa dito ang nakatanggap ng libreng wheelchair-
dalawang daan at walumpu't lima ang nakabenepisyo ng libreng konsultasyon-
dalawang daan at animnapu't tatlo ang nakatanggap ng libreng eyeglasses-
labing walo ang sumailalim sa libreng tuli at labing lima naman sa tooth extraction.
Habang sa BARANGAY Polloc, Parang MAGUINDANAO, labing apat ang nakatanggap ng wheelchair-
pitong daan at apatnapu't tatlo ang nakabenepisyo ng libreng konsultasyon-
dalawang daan at limampu't lima ang nakatanggap ng libreng eyeglasses-
isangdaan at apatnaput tatlo ang sumailalim sa libreng tuli at siyamnaput dalawa naman sa tooth extraction.

Photo by: Agila ng Maguindanao