top of page

LICENSED TEACHERS NA!

50 GMSM FREE LET REVIEW SCHOLARS, VOLUNTEER TEACHERS AT SCHOLARS ANG PUMASA SA LICENSURE EXAMINATION FOR TEACHERS (LET)

 

Photo Courtesy: Maimy Kawit Basilan

Isa si Uraifie Basilan sa mga Limampung Free Let Review Scholars, Volunteer Teachers at Scholars ng Gobyernornong may Malasakit sa Maguindanao o GMSM ang pumasa sa Licensure Examination for Teachers.


Sa video, makikitang ginising si Uraifie ng kanyang mga kaanan at nang malaman nito na isa siya sa mga pumasa, humagulgol ito sa tuwa yakap-yakap ang kanyang ina.


Sa kanyang facebook post, abot langit ang pasasamalat ni Uraifie kay Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa pagkakataon na ibinigay na gobernador, sa cash assistance hanggang sa aniya’y Free LET Review.


Nagpaabot naman ng pagbati ang Agila ng Maguindanao. Lubos naman na ipinagmamalaki ng provincial government ang tagumpay ng mga iskolar ng GMSM.


Photo Courtesy: Maguindanao del Sur

3 views0 comments