LIMO MEDICAL MISSION

LIMO MEDICAL MISSION MULING NAGHANDOG NG MEDICAL MISSION SA PARANG MAGUINDANAO DEL NORTE
Parang, Maguindanao - Daan-daan residente sa bayan ng Parang ang pinagkalooban ng libreng SERBISYONG PANGKALUSUGAN HANDOG NG TEAM LIMO ni Maguindanao Representative Bai Dimple Mastura.
Mga residente Manion, Gadungan, Samberen, Kabuan at Orandang. Sa pakikipagtulungan na rin ng Rural Health Unit.
Kaagapay ng Kongresista sa naturang medical mission ang Sanitarium and General Hospital para sa mga gamut, 6th Infantry Division PA para sa libreng tuli at gupit at Marine Battalion Landing Team 2 para sa security coverage.
Lubos na nagpapasalamat ang mamayan ng Parang sa inihandog na tulong ng LIMO Medical Mission ng Kongresista. Nagsagawa rin ng libreng tuli, libreng gupit at feeding proram.
Inaasahang magsasagawa pa ang LIMO Medical Mission sa buong lalawigan ng Maguindanao del Norte.