Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Tinututukan ngayon ng 14th Sangguninang Panlalawigan ng South Cotabato ang sektor Agrikultura, Imprastraktura, Social Services at Medical Services sa isinagawang Linggohang sesyon kahapon.
Matatandaan na nakipagpulong si Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa Department of Health kaugnay sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng bagong hospital building.
Tinalakay din ang rekomendasyon ng Alkalde ng Munisipyo ng Norala, South Cotabato,kaugnay sa Executive Order No. 11, Series of 2022, o ang muling bumubuo ng African Swine Fever Task Force sa munisipyo.
Sa usaping Social Services, natalakay din ang rekomendasyon kaugnay sa Executive Order No. 27, Series of 2021, ng Mayor ng Municipality of Tampakan, South Cotabato, upang bumuo ng Municipal Coordinating Team para sa Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Ingegrated Delivery of Services National Community Driven Program-Additional Financing Program of the municipality.
Natalakay din ang Ordinance No. 18, Series of 2022, o ang pagpapatupat ng speed limits
Para sa lahat ng mga motor vehicless sa Koronadal City.