top of page

LINGKOD PAMAYANAN PARA SA KAPAYAPAAN PROGRAM, INILUNSAD NG MSSD-BARMM

Kate Dayawan| iNEWS | January 25, 2022

Photo Courtesy: MSSD-BARMM



Cotabato City, Philippines - Pormal na inilunsad ng Ministry of Social Services and Development BARMM ang pinakabago nitong flagship program na tinatawag na 'Lingkod Pamayanan Para sa Kapayapaan'.


Kabilang sa mga napiling magpapatupad nito ay ang ilang community leaders na karamihan ay miyembro ng Bangsamo


ro Islamic Women Auxiliary Brigade o BIWAB at mga designated para-social workers na susuporta sa mga municipal social welfare officers ng MSSD sa paghahatid ng disaster risk reduction and protection services.


Nanumpa ang 40 para-social workers na isasagawa ang kanilang mga trabaho nang may katapatan, integridad at may moral governance tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa kani-kanilang komunidad.


Layon ng MSSD na maideploy ang 1,145 na mga volunteer para-social worker sa buong rehiyon ng Bangsamoro upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo lalo na sa mga mahihirap at disadvantaged communities.


Bukod sa disaster risk reduction at emergency activities, tutulungan din ng mga para-social worker ang MSSD sa pangangasiwa ng mga psychosocial activity tulad ng women and child-friendly spaces, community advocacies, home visit and monitoring of client status, pay-out at iba pa.


Nabuo ang Lingkod Pamayanan Para sa Kapayapaan Project sa pakikipagtulungan ng BIWAB, United Youth of the Philippines - Women, United Nations Population Fund, International Organization for Migration at Bangsamoro Information Office.





13 views
bottom of page