Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 24, 2022

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Muling sumailalim sa orientation ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang dalawampu’t siyam na grupo sa South Cotabato para sa mga ipapamahaging livelihood assistance mula sa programang Alalay sa Negosyo, Ginhawa, at Trabaho o ANGAT ng gobyerno.
Ang pagpupulong ng mga nasabing grupo ay kinakailangan sa pagkakaloob ng kapital para sa pagsisimula ng maliit na negosyo.
Ayon kay Earl Madres, Community Affairs Officer III, nakatakda nang makatanggap ng 250,000 pesos hanggang 300,000 pesos ang mga asosasyon na mayroong mga miyembro ng 25-30 indibidwal mula sa Tampakan, Koronadal City at bayan ng Norala.
25 grupo ang kinilala ng ANGAT program na makakatanggap ng nasabing tulong.
Bawat grupo ay makakatanggap ng tig-iisang daang libong piso.
End