LOCAL AMNESTY BOARDS

Photo Courtesy: WESTERN MINDANAO COMMAND, AFP
Sinisimulan na ng National Amnesty Commission o NAC ang identification at composition ng Local Amnesty Boards sa iba’t ibang parte ng bansa. Bahagi ito ng pagproseso sa aplikasyon para sa amnestiya ng mga peace-inclined groups kabilang ang Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front. Sa Mindanao, nagpulong na si NAC Commissioner, Atty. Jamar Kulayan at Western Mindanao Commander, Lt. General Roy Galido hinggil sa nasabing hakbang.
Nag-iikot na sa iba’t ibang parte ng bansa ang National Amnesty Commission o NAC. Sa Mindanao, bumisita at nakipagpulong si NAC Commissioner, Atty. Jamar Kulayan kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Roy Galido.
Tinalakay sa pulong ang identification at composition ng Local Amnesty Boards kung saan apat ang nasa ilalim ng joint Area of Operation ng WestMinCom. Kabilang sa magiging miyembro ng board ay ang mga brigade commmanders.
Ang identification at composition ng Local Amnesty Boards ay bahagi sa gagawing pagproseso sa aplikasyon para sa amnestiya ng mga peace-inclined groups kabilang ang Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front.