Kate Dayawan | iNews | January 5, 2022

Courtesy: COMELEC North Cotabato Province
Cotabato City, Philippines - Hindi na muna makakaboto para sa 2022 local elections ang mga residente ng 63 barangay sa North Cotabato na napapabilang ngayon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ito ang naging resulta ng isinagawang pagpupulong ng mga opisyal ng Commission on Election noong September 15, 2021.
Sa natanggap ng kopya ng Comelec North Cotabato Province tungkol sa buod ng mga napag-usapan, nakasaad dito na ito ay dahil sa hindi pa tukoy kung saang lokal na pamahalaan mapapabilang ang 63 barangay.
Sa panayam naman sa tagapagsalita ng COMELEC BARMM na si Atty. Allan Kadon, sinabi nito na hindi naman umano ito pagbabawal o pagtanggal sa karapatan ng mga rehistradong botante na bumoto dahil maaari pa rin naman silang bumoto para sa national election sa Mayo a nuwebe.