top of page

LOCAL GOVERNMENT OPERATIONS OFFICER


Labing limang examinees ang pumasa sa Pre-Qualifying Examination o Psychometric Examination mula sa 181 na kumuha ng pasulit na isinagawa ng MILG sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi para sa posisyong Local Government Operations Officers.


Makikita sa screen ang pangalan ng labinlimang indibidwal na pumasa sa Pre-Qualifying Examination o Psychometric Examination na isinagawa ng MILG sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi para sa posisyong Local Government Operations Officers.


Photo Courtesy: MILG BARMM


Isinagawa ito noong Marso a bente uno hanggang a bente dos sa College of Law, Western Mindanao State University, Zamboanga City.


Umabot ng 181 ang kumuha ng pasulit, pero kinse lamang ang pumasa at pasok sa cut-off o passing rate ng Middle Average para sathree Technical Intelligence Tests na kinabibilanga ng Non-verbal Reasoning; Logical Reasoning; at General Mental Ability.


Ang PQE ay isa lamang sa mga instrumento sa pagpili at placement sa Ministry, kaya isasailalim pa ang mga pumasa sa assessment para sa dagdag na validation at selection ng most qualified para sa posisyon ng Local Government Operations Officer (LGOO).

3 views0 comments

Recent Posts

See All