top of page

LOCAL LEGISLATIVE POWER | GROUNDS FOR DISCPLINARY ACTION


Photo Courtesy: BTA BARMM

COMMITTEE ON LOCAL GOVERNMENT, TINALAKAY ANG LOCAL LEGISLATIVE POWER, GROUNDS FOR DISCPLINARY ACTION, AT RECALL PROCESS SA IKA 4 NA ARAW NA DELIBERASYON


Bangsamoro Autonomous Region - Tinalakay sa ika apat na araw ng deliberasyon ng BTA Bill No. 30 o ang Bangsamoro Local Governance Code ang local legislative power mula probinsya patungong barangay, grounds for disciplanary action, at recall process for loss of confidence sa mga elective official.


Puspusan na ang pagtalakay sa BTA Bill No. 30 o ang Proposed Local Governance Code. Sa ika-apat na araw ng deliberasyon sa panukalang batas, hinimay ang mga usapin hinggil sa local legislative power mula probinsya patungong barangay, grounds for disciplinary actions, at ang recall process for loss of confidence sa mga elective officials.


Binusisi rin ang establishment ng human resources development, local school boards, health boards, development, and peace and order councils sa bawat probinsya, syudad at munisipyo.


Upang tasahin ang kapasidad ng local government unit para sa complete devolution, binigyan din ng mandato sa panukalang batas ang Ministries of the Interior and Local Government and Finance, Budget, and Management, gayundin ang Civil Service Commission, sa pag-audit ng kanilang finances at personnel.

6 views0 comments