Amor Sending | iNEWS | November 25, 2021

Cotabato City, Philippines - Sa ginanap na Local Social Amelioration Program pay out sa Zamboanga City East Central School, abot sa isang libo tatlong daan siyamnapu't isa na magsasaka mula Dulian, Upper Pasonanca; Putik, Guiwan, Lunzuran, Lumayang, Lumbangan, Mampang, Cabatangan, Capisan, Pasonanca, Tumaga, San Roque, San Jose Gusu, Malagutay at Boalan ang nakatanggap ng tulong pinansyal
Ang 1,391 na magsasaka na ito ang pinakahuling grupo na nakatanggap ng tulong pinansyal-
Ang mga naunang benepisyaryo ng LSAP ngayong linggo ay ang mga senior citizen na hindi tumatanggap ng social pensions, pedicab at trisicad drivers, jeepney at tricycle drivers at ang LGBTQ+ community.
Katuwang ng City Social Welfare and Development Office ang mga tauhan mula sa Treasurer's office ng Zamboanga City sa pamamahagi ng naturang tulong pinansyal-
Ayon kay Mayor Beng Climaco, ang LSAP ay bahagi ng Covid-19 pandemic rehabilitation plan at pinondohan ng 2021 Supplemental Budget.