top of page

LOKAL SERBISYO CARAVAN SA NORTH COTABATO, NAGPAPATULOY

Amor Sending | iNEWS | December 15, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of Cotabato


Cotabato City, Philippines - Sa inilunsad na Nagkakaisang Adhikain para sa mga Cotabateño (NAC)-Local Serbisyo Caravan ng ELCAC, pinangunahan mismo ni Governor Nancy Catamco kaagapay ang iba't ibang National line agency at non Government organization kasama ang Provincial, Municipal at Baranggay officials sa paghahatid ng iba't ibang Serbisyo at programa sa mga residente ng Baranggay Badiangon, noong araw ng Lunes, ika labing tatlo sa buwan ng Disyembre.


Ang Barangay Badiangon ay isa sa mga napiling benepisyaryo ng P20M Support to Barangay Development Fund (SBDF) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na syang gagamitin para sa Road Concreting ng dalawang sitio. Sampung milyon ang laan para sa Sitio Anoling at Pitong milyon naman para sa Sitio Paliay.


Dagdag pa rito, ipinamahagi rin sa mga residente sa lugar ang entreprenuerial cash assistance sa mahigit dalawang daang benepisyaryo nito, pitumpot limang computer tablet para sa mga mag-aaral ng barangay, mahigit limang daang food pack, buntis kits, mga tsinelas, multi-vitamins, fruit seedlings, at iba pa.


Bukod dito, nagkaroon din ng pagpoproseso ng marriage at birth certificates at iba pang serbisyo mula sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaang panlalawigan.


9 views
bottom of page