top of page

LPA, namataan sa layong 205 km East Northeast ng Pagasa Island, Palawan

Weather Update | September 22, 2021


Cotabato City, Philippines - Isang Low Pressure Area pa rin ang binabantayan ng PAGASA at ito’y namataan sa layong 205 km East Northeast ng Pagasa Island, Palawan


Habang patuloy pa ring umiiral ang ITCZ o Intertropical Convergence Zone sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.


Makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.


Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 32 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-34 degree celsius ang agwat ng temperatura at 90 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 21-31 degree celsius at 90 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 30 degree celsius at 70% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:38 ng gabi.




5 views
bottom of page