top of page

LPA, patuloy na mino-monito ng PAGASA!

Weather Update | September 17, 2021


Cotabato City, Philippines - Patuloy pa ring mino-monitor ang isang LOW PRESSURE AREA at namataan ito sa layong 90 km East Southeast ng Romblon.


Samantala, nakakaapekto naman INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE o ITCZ sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.


Makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Region, SOCCSKSARGEN, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, La Union, Pangasinan at Camarines Norte


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 32 degree celsius at 70 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 80 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-33 degree celsius at 90 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 25 to 31 degree celsius at 60% ang tsansang uulan.


Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 26 degree celsius at 80% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:32 ng umaga at lulubog 5:42 ng gabi.





4 views
bottom of page