LPA, patuloy na mino-monitor ng PAGASA

WEATHER UPDATE | iNEWS | September 20, 2021


Cotabato City, Philippines - Mino-monitor pa rin ng PAGASA ang isang LOW PRESSURE AREA na huling namataan sa layong 280 km West ng Subic, Zambales


Samantala, patuloy ring nakakaapekto ang INTERTROPICAL CONVERGENCE ZONE o ITCZ sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.


Sa datos mula sa PAGASA, makakaranas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa MIMAROPA, Western Visayas, Mindanao at Quezon


Habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may mga isolated rainshowers at thunderstorm sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.


Para naman sa pagtaya ng panahon sa Cotabato City bukas, papalo ang agwat ng temperatura mula 23 hanggang 32 degree celsius at 80 percent ang chance of rain.


Sa Maguindanao papalo mula 23-33 degree celsius ang agwat ng temperatura at 100 percent ang tsansa ng pag ulan.


Sa South Cotabato, maglalaro ang temperatura mula 22-31 degree celsius at 100 percent ang chance of rain.


Sa North Cotabato papalo ang temperatura mula 22-32 degree celsius at 100 percent chance of rain.


Sa Zamboanga City papalo ang temperatura mula 24 to 29 degree celsius at 80% ang tsansang uulan.



Habang sa Lanao del Sur naman papalo ang temperatura mula 17 to 25 degree celsius at 100% ang tsansa na uulan


Ang araw ay sumikat 5:31 ng umaga at lulubog 5:39 ng gabi.






3 views