Joy Fernandez | iNEWS | December 3, 2021

Cotabato City, Philippines - Sa naging pahayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Atty. Zona Russet Tamayo, na gamitin ang subsidy program ng pamahalaan para sa fuel expenses at huwag itong abusuhin dahil patuloy pa ring pinag-aaralan hanggang sa ngayon ang long-term implementation nito.
Dagdag pa ni Tamayo na malalaman din ng Land Bank of the Philippines kung saan ipinasok ang subsidiya at kung ginamit ng operators ang pera para sa ibang layunin.
Matatandaan na noong ika-dalawamput apat ng Nobyembre inilunsad ang Fuel subsidy program
at ipinamahagi sa halos 136,000 Jeepney operatos, sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.