Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Nakatakas ang Local Terrorist Group member na si alyas Amin na target ng otoridad sa ihahaing Warrant of Arrest sa kasong attempted murder sa Barangay Baimbing, Lamitan City, Basilan nitong October 19.
Ayon sa report mula sa PNP BARMM, hindi na nila inabutan ang target ngunit, nasamsam naman ang naiwan nitong rifle
Photo courtesy : PRO BAR
grenade na M76 High Explosive (HE) at 10 basyo ng 5.56mm (Green Tip) na bala na pagmamay ari ng suspek.
Ang mga nakuhang ebidensya ay dinala sa Lamitan City Police Station para sa dokumentasyon, at ang isang (1) rifle grenade na M76 High Explosive ay itinurn-over sa Basilan Provincial Explosive Ordinance and Canine Unit (PECU) para sa disposisyon nito.
Pero sasampahan si alyas Amin ng panibagong kaso na kinabibilangan ng Illegal Possession of Explosives Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
END