top of page

LTGEN ROMEO BRAWNER: MALAKI ANG PAPEL NG KABATAAN PARA MATULDUKAN ANG TERORISMO SA BANSA

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Simula palang noong high school, lumalahok sa mga seminars ang youth leader na si Al-Sharif Uday. At ngayon, isinusulong niya na rin ang anti-terrorism at anti-extremism sa kaniyang kumunidad.

Ito rin ang binigyang diin ni ni Philippine Army (PA) Commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr..

Photo courtesy : AFP


Sa report mula sa Philippine News Agency, sa ika-limang taong liberasyon ng Marawi mula sa mga terorista sinabi nito na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng kapayapaan at pagsugpo sa marahas na ekstremismo.


Binigyang-diin din ni Brawner ang lubos na kahalagahan ng pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalo, tagapagpatupad ng batas, at sibilyan na nag-alay ng sukdulang sakripisyo sa pagpapalaya sa Marawi City kaya hinikayat niya ang mga kadete na masigasig na maglingkod sa bayan at sa bansa.


Nakiisa rin ang mga officer cadets sa exhibition tour sa Fort Bonifacio na nagpakita ng iba pang taktika at estratehiya ng PA units na nag-ambag sa pagpapalaya sa lungsod ng Marawi mula sa ISIS-inspired Maute terrorist group.


End

0 views
bottom of page