top of page

MAARI NANG BUMALIK SA KANILANG TIRAHAN


Maari nang bumalik sa kani-kanilang tahanan ang mga sibilyan na lumikas sa ilang barangay ng Datu Saudi Ampatuan matapos ang bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo sa lugar. Ito ang rekomendasyon ng otoridad, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Maguindanao del Sur.

Photo Courtesy: Pdrrmo Maguindanao del Sur


Nagpulong ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan ng Datu Saudi Ampatuan, militar, pnp at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council hinggil sa sitwasyon ngayon sa barangay Madia, Elian at Dapiawan matapos ang bakbakan ng dalawang grupo sa lugar na nagresulta sa paglikas ng mga sibilyan.


Sa pulong, nagbigay ng rekomendasyon ang AFP bilang head ng Security Cluster na kung maaari ay pauwiin na ang mga nagsilikas na sibilyan dahil sinisigurado anya nila ang kaligtasan ng mga ito kung magdedesisyon na silang bumalik sa kani-kanilang tahanan.


Napag usapan din ang security measures na nailatag ng AFP upang masiguro na hindi na maulit ang naturang kaguluhan na mismong nangyari sa mataong lugar.


Tinungo rin ng PDDRRMO ang evacuation sites sa pangunguna ni OIC PDRRM Officer Ameer Jehad Ambolodto kasama ang PNP at AFP upang ipaabot ang naging rekomendasyon ng otoridad at pagtitiyak ng otoridad na kontrolado nila ang sitwasyon.


Inaasahan naman na ano mang oras o araw mula ngayon ay magsibalikan ang mga lumikas sa kani-kanilang mga tahanan batay na rin sa kasiguraduhan na ibinigay ng ating mga awtoridad.


Isinasailalim na sa beripikasyon ang listahan ng mga evacuees at nakatakda itong pagkalooban ng tulong ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

7 views0 comments