top of page

MAFAR-BARMM, NAMAHAGI NG FARM INPUTS

Kate Dayawan I iNews I January 20, 2022


Courtesy: MAFAR-BARMM


COTABATO CITY, PHILIPPINES - Tinatayang aabot sa 44,425 na mga magsasaka mula sa Maguindanao at Lanao del Sur ang makakabenepisyo sa P101.685-M na halaga ng farming inputs na itinurn-over ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform – BARMM sa mga provincial office nito noong Martes, January 18.


Ang mga nasabing inputs ay pinondohan sa pamamagitan ng 2021 general appropriation act of Bangsamoro o block grant.


Kabilang sa mga ipinamahaging inputs sa Maguindanao ay ang 400 bags ng hybrid corn seed na nagkakahalaga ng 2 million pesos; 50,000 bags ng certified palay seed na nagkakahalaga ng P38-M; 4,000 bottles ng insecticides na nagkakahalaga ng P1.9-M at 44,000 sachets ng foliar fertilizer na nagkakahalaga nv P37.4-M.


Matatanggap naman ng mga magsasaka sa Lanao del Sur ang 4,000 bottles ng insecticides na nagkakahalaga ng P1.9-M at 24,100 sachets ng foliar fertilizer na nagkakahalaga ng P20.48-M.


Ang pamamahaging ito ng MAFAR ay bahagi ng selebrasyon ng weeklong 3rd Founding Anniversary ng BARMM.

0 views0 comments