Kate Dayawan | iNEWS | October 12, 2021
Cotabato City, Philippines - Kasabay ng isinagawang groundbreaking ceremony, pinasinayaan na rin ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform - BARMM ang seaweed facility sa Parang, Maguindanao.
Layunin ng pagpapatayo ng nasabing pasilidad na mapalago ang produksyon ng seaweed sa lalawigan ng Maguindanao upang masustain ang suplay dahil sa pagtaas ng demand nito sa market.
Sinabi ni Director for Fisheries Services Macmod Mamalangcap, binibilisan na umano nila ang pagtapos sa Seaweed Buying Station with Solar Dryer sa Barangay Sarmiento na makakatulong sa mga seaweed farmer at mga mangingisda sa lugar.
Ang proyektong ito ay pinondohan ng abot sa P4,719,532.74 sa ilalim ng Bangsamoro Appropriation Act of 2020 at inaasahang matatapos sa susunod na taon.
Kabilang sa mga ipapatayo ay ang solar dryer na mayroong 120-square meter area at warehouse na mayroong 324-square meter area with a total span of 666 square meters na inaasahang makakapag-store ng limang toneladang seaweeds.
Sinabi rin ni Mamalangcap na buko sa seaweed production, magsasagawa rin ng MAFAR ng mga pagsasanay upang suportahan ang community-based enterprise ng mga miyembro ng asosasyon, kung saan kabilang dito ay ang proper handling and moving of seaweed commodities at pagpapalago ng post-harvest processing skills to lumago ang kita ng mga magsasaka at mangigisda sa lugar.
Inaasahang pasisinayaan din ang mga kahalintulad na proyekto sa mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi ngayong buwan ng Oktubre.
