top of page

MAG-ASAWANG NPA MEMBERS, SUMUKO SA MILITAR SA SOUTH COTABATO

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Sumuko sa otoridad ang mag-asawang kaanib ng komunistang New People’s Army (NPA) sa Lake Sebu, South Cotabato noong Martes ng gabi.


Sa ulat ng 5th Special Forces Battalion, kasamang isinuko ng mag-asawang siina Alyas "Loloy" at "Lalay", ang kanilang M16 at M14 rifles.


Ayon pa sa militar, ang mag-asawa umano ay nag-ooperate sa ilalim ng NPA Platoon Madrid ng South Regional Command Daguma.

Photo courtesy : 6th ID


Samantala, pinuri naman ni Major General Roy Galido ang miltar sa kanilang pagsisikap para sa pagtatatag ng maunlad at mapayapang kumunidad sa Centrall Mindanao.


Simula nitong Enero ngayong taon, nasa isang daan at labing siyam na NPA members na ang sumuko sa militar.



End



1 view
bottom of page