Kate Dayawan | iNews | November 10, 2021
Cotabato City, Philippines - Wala nang takas sa batas ang mag-asawang napabilang sa mga wanted persons matapos na mahuli sa inilunsad na joint manhunt and operation against loose firearms ng mga operatiba ng Lanao del Sur Police Provincial Office noong Lunes, November 8 sa bayan ng Masiu, Lanao del Sur.
Kinilala ang mga naarestong indibidwal na sina Dimatingki Masbod alyas H. Ali na wanted dahil sa three counts ng rape at ang asawa nito na si Cayamona Diamla alyas H. Aliah na wanted rin dahil sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention.
Ang warrant of arrest ng dalawa ay inisyu ng Presiding Judge ng 12th Judicial Region, RTC Brach 9, Marawi City noong March 2021. Ito ay walang inirerekomendang pyansa.
Ilang linggo bago pa man naisakatuparan ang operasyon laban sa mag-asawa ay nakikipagtulungan na ang mga kaanak ng mga nabiktima ng dalawa sa Lanao del Sur PPO para sa posibleng pagkakahuli ng mga suspek.
Nagresulta ang nasabing operasyon sa pagkakakumpiska ng mga hindi lisensyadong armas mula sa pag-iingat ni Ali na kinabibilangan ng isang M14 7.62 rifle, isang KG 9 UZI cal. 9mm, isang cal .45 pistol, isang caliber .22 pistol at samu't saring mga bala.
kasama ng PNP BARMM sa operasyon ang 103rd Special Action Company ng Special Action Force, Regional intelligence Unit 15.
Ayon kay PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng Police Regional Office - BAR, bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na National Elections, mananatiling agresibo ng PRO-BAR laban sa mga wanted person at loose firearms dahil maaari umanong gamitin ang mga ito sa karahasan sa eleksyon sa susunod na tao.
