top of page

MAG. VICE GOV. LESTER SINSUAT, IPRINOKLAMA BILANG BAGONG ALKALDE NG BAYAN NG DATU ODIN SINSUAT

Kael Palapar

DATU ODIN SINSUAT, MAGUINDANAO — Pormal nang iprinoklama bilang bagong alklade ng bayan ng Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao si Vice Governor Datu Lester Sinsuat.


Sa naging canvassing ng Commission on Elections Board of Canvassers mula sa 121 clustered precincts ng bayan, nakakuha ang bise gubernador ng 34,308 na boto habang 11,730 naman na boto ang nakuha ng kanyang katunggaling si Jam Sinsuat.


Iprinoklama rin bilang bise alkalde ng bayan si Datu Sajid Sinsuat na nakakuha ng 30,966 votes habang 12,847 votes naman ang nakuha ng katunggali nitong si Sara Abas.


Samantala, mahigpit naman ang ipinatupad na seguridad ng mga pwersa ng otoridad sa bayan ng Datu Odin Sinsuat matapos itong isailalim sa COMELEC control.


"Nakaalalay naman yung AFP at PNP ngayon dito sa Pilot Elementary school ng Datu Odin Sinsuat. Before pa ng election until nagkaconduct kami ng mobile patrol, iniinstify namin ang pwersa." ani PLt. Abzren R. Jamud, ang team leader ng Quick Response Froce.


Ang Datu Odin Sinsuat ay isa sa anim na bayan na isinailalim sa COMELEC Control.


Kasama nito ang mga bayan ng Buluan, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag at Sultan Kudarat.

24 views
bottom of page