
MAGUINDANAO -- Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Provincial Government ng Maguindanao at Sultan Kudarat sa pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na ginanap sa National Electrification Administration upang pag-usapan ang nalalabing utang ng Maguindanao Electric Cooperative, Inc. noong nakaraang Linggo, June 9.
Sa pangunguna ni Sultan Kudarat Governor Suharto “Teng” Mangudadatu, inialatag nito sa NGCP ang plano ng mga MAGELCO upang tuluyan nang matapos ang pagkakautang nito.
Ayon kay Mangudadatu, bilang prerequisite sa pagcomply ng kanilang pagbayad, una muna umano nitong aayusin ang kanilang serbisyo at isusunod ang pagsasaayos ng kanilang financial program.
Bilang pagtugon, pumayag si NGCP President Anthony L. Almeda na ipagpaliban na muna ang disconnection habang nakabinbin pa ang agarang pagsumite ng proposal na nagdedetalye ng nasabing restructuring.
Nagpahayag naman ng pagsuporta ang NEA sa Local Government ng Maguindanao at Sultan Kudarat.