top of page

MAGIGING EXTENSION NG MINISTRIES


Sakaling maisabatas ang BTA Parliament Bill number 43 o ang pagtatatag ng administrative capital ng BARMM sa Parang, Maguindanao, iminungkahi ni BTA Deputy Speaker at Committee on Rules member, MP Atty Paisalin Tago na gawing extension ng mga provincial offices at ministries ang Bangsamoro Government Center sa lungsod ng Cotabato. Ipinaliwanag din nito kung bakit ang Parang, Maguindanao ang napiling lugar hinggil sa proposed measure.

Photo Courtesy: BTA BARMM


Sa katatapos ng public consultation hinggil sa BTA Parliament Bill number 43 o ang pagtatag ng administrative capital ng BARMM sa Parang, Maguindanao-


Samo’t saring opinyon at rekomendasyon ang inihayag ng mga dumalo.


Pero bakit nga ba ang bayan ng Parang ang napiling lugar para sa proposed measure?


Bilang deputy speaker at Committee on Rules member, inalatag ni MP Atty Paisalin Tago ang dahilan


Sa katatapos ng committee meeting, iminungkahi rin ng opisyal kung ano ang gagawin sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City, sakaling maisabatas ang BTA Parliament Bill no. 43.


Hindi nakapaloob sa panukalang batas ang eksaktong pondo na gagamitin para sa pagtatatag ng administrative capital sa bayan ng Parang, Maguindanao.


Umaasa naman si MP Tago, na maisasakatuparan ito bago matapos ang extension period.

12 views0 comments