top of page

MAGNA CARTA BILL PARA SA PWDs, MULING NI-REVIEW NG MSSD AT IBA PANG OPISINA NG BARMM

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photo courtesy : MSSD


Cotabato City, Philippines - Upang maitaguyod ang kapakanan at pantay na pag-access sa oportunidad ng mga persons with disabilities sa buong rehiyon ng Bangsamoro, muling pinag-usapan ng Ministry of Social Services and Development kasama ang iba pang mga ministeryo ng Bangsamoro Government ang draft bill ng Magna Carta para sa PWDs noong nakaraang linggo sa Cotabato City.


Sa pamamagitan ng Older Persons and Persons with Disability Program ng MSSD, kaagapay ang The Asia Foundation (TAF) and Mindanao Organization for Social Economic Progress (MOSEP), layon ng isinagawang consultative meeting ay upang i-intitutionalize ang pagtugon at pagpapanatili ng mga programa at serbisyo para sa sektor ng PWD.


Binigyang diin naman ni MSSD Minister Atty. Raissa Jajurie ang kahalagahan ng paghahanap ng constructive feedback sa ibang ministeryo at ahensya ng para sa pagpapaunlad ng strong policy recommendations.


Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga representante mula sa Ministry of Transportation and Communications (MOTC), Ministry of Finance and Budget Management (MFBM), Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), Ministry of Public Order and Safety (MPOS), Ministry of Trade, Investment, and Tourism (MTIT), National Nutrition Council (NCC), Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC), Bangsamoro Youth Commission (BYC), at Bangsamoro Women's Commission (BWC).


End.

4 views
bottom of page